ALAMIN: Mga kalsadang kukumpunihin sa QC, Maynila ngayong weekend

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2018 05:19 PM

Ginagawa ang isang kalsada sa Quezon City noong Agosto 10, 2018. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ukol sa isasagawang mga road reblocking at repair o pagkukumpuni sa ilang kalsada sa Quezon City at Maynila simula gabi ng Biyernes.

Isasagawa ang pagkukumpuni simula alas-11 ng gabi nitong Biyernes, Agosto 31, 2018, hanggang alas-5 ng madaling araw ng Lunes, Setyembre 3, 2018, sa mga sumusunod na kalsada:

SOUTHBOUND
• EDSA sa harap ng Francesca Tower lagpas ng Scout Borromeo (ikatlong lane mula center island)

NORTHBOUND
• EDSA bago mag-North Avenue (ikaanim na lane mula center island)
• A.H. Lacson Avenue sa kanto ng Aragon Street at P. Florentino Street
• Batasan Road bago mag-Payatas Road (ikalawang lane)


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.