Lalaki, nanghalay umano ng 2 baboy sa Negros Occidental

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2019 08:34 PM

Isang di kilalang lalaki ang kasalukuyang pinaghahahanap matapos manghalay umano ng dalawang inahing baboy sa bayan ng Candoni sa Negros Occidental nitong Biyernes.

Ayon sa municipal agriculture office ng bayan, naganap ang panghahalay sa Barangay 8. 

Lumabas sa kanilang pagsusuri na pawang pinasukan ng matigas na bagay o kamay ang ari ng mga baboy na pagmamay-ari ng isa sa mga empleyado ng agriculture office.

Ayon sa isang opisyal, sila na mismo ang magrereklamo upang mahanap ang nanghalay sa mga baboy dahil sa pangamba at panganib na maaaring harapin ng komunidad.

Maaaring kasuhan ng paglabag ng Animal Welfare Act ang nakatakas na salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.