ALAMIN: Bakit nais itaas ang kasalukuyang 'age of consent' sa bansa

ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2019 06:21 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Kamakailan ay inihain sa Kongreso ang ilang panukala na layong taasan ang "age of consent" para mapalawig ang sakop ng krimeng statutory rape

Kasalukuyang nasa 12 ang edad para masabing legal ang pag-ayon ng isang tao sa sex. 

Nais nina Sen. Imee Marcos, Risa Hontiveros, at Leila De Lima na itaas ito sa 16 hanggang 18 taon.

Ayon sa abogadong si Noel Del Prado, mainam nang taasan ang age of consent para sa rape lalo't may mga pag-aaral na nagpapatibay na mas marami ang pang-aabuso sa edad 14 hanggang 18 anyos. 

Sinusundan din aniya ng panukala ang age of consent sa ibang bansa. 

"Sa ibang bansa nakatodo sa 18 [anyos], kasi 'yun naman sa mundo ang pangkalahatang age of consent. Puwede kang bumoto, puwede kang mag-drive, puwede ka nang uminom at mag-asawa," ani Del Prado sa "Usapang de Campanilla" noong Huwebes. 

Sa "Anti-Rape Law of 1997," maaaring masentensiyahan ng reclusion temporal hanggang reclusion perpetua ang may sala. 

Kung nasa 7 anyos o mas bata naman ang biktima, puwedeng masentensiyahan ng madantory reclusion perpetua ang convict. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.