1 sugatan sa pagsabog ng granada sa Iloilo

Regi Adosto, ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2019 10:59 AM

Isang granada ang sumabog sa Barangay Merced sa bayan ng Banate sa Iloilo, Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, isa ang sugatan habang isa naman ang nasa kanilang kustodiya.

Tinangka umano na nakawin ng 2 lalaki ang battery ng isang truck nang sumabog ang granada.

Inaalam pa kung sa kanila nanggaling ang granada.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.