Kadamay sumugod sa pabahay ng mga pulis, sundalo sa Bacolod

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2018 12:04 PM

Daan-daang miyembro ng Kadamay group ang nananawagang makuha ang pabahay para sa mga sundalo at pulis sa Negros, Huwebes. ABS-CBN News

BACOLOD, Negros Occidental - Nagtipon ang nasa 1,000 miyembro ng urban poor group na Kadamay sa isang housing site para sa mga pulis at sundalo sa lungsod na ito, Huwebes ng umaga. 

May bitbit ang grupo na mga damit, gamit at ilang bata nang sumugod sila sa mga pabahay sa Barangay Felisa. 

Walang balak ang grupo na pasukin ang mga bahay roon, bagkus ay nais lang nilang hikayatin ang National Housing Authority na makipagdayalogo, sabi ni Kadamay-Negros secretary general Ante Berlita. 
 
Iginiit ng grupo na nakatiwangwang lang ang nasa 1,500 bahay sa lugar simula pa noong 2013. Matagal na umanong hinihingi ng Kadamay sa NHA na maibigay sa kanila ang mga naturang bahay.

Nitong Hulyo, naglabas ng resolusyon ang Sangguniang Panlungsod na nag-eendorso ng pamamahagi ng mga nasabing bahay sa grupo. 

Nagpadala na ng mga pulis sa lugar upang mapanatili ang kapayapaan. 

Inokupa rin ng Kadamay ang pabahay para sa mga pulis at sundalo sa Rodriguez, Rizal nitong Hunyo at sa Pandi, Bulacan noong nakaraang taon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.