Presyo ng bigas sa Commonwealth Market bumaba

ABS-CBN News

Posted at Aug 29 2019 01:54 PM

MAYNILA — Bumaba ang presyo ng ilang imported rice sa Commonwealth Market nitong Huwebes. 

Ibinebenta na sa P32 kada kilo ang imported well-milled rice, na dating nasa P35 kada kilo. Bumaba naman sa P30 kada kilo ang presyo ng regular-milled rice mula sa P32 kada kilo. 

Wala namang paggalaw sa mga presyo ng lokal na bigas. 

Samantala, lalo namang tumumal ang bentahan ng baboy sa pamilihan kahit pa man nasa P190 kada kilo ang presyuhan nito. 

Mula sa 6 katay noong nakaraang linggo, 3 katay na lang ang nabebenta ng ilang tindero kada araw. 

Nasa P140 kada kilo naman ngayon ang presyo ng manok sa pamilihan. 

Sa gulay, tumaas sa P70 kada kilo ang presyo ng repolyo mula P60. 

Bumaba naman ang presyo ng sayote sa P40 kada kilo mula P50.


— Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.