Bahagi ng opisina sa Makati, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Aug 29 2019 03:57 AM

MAYNILA—Nasunog ang bahagi ng isang opisina sa Osmeña Highway, Barangay San Isidro, Makati City Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy alas-11:20 ng gabi sa unang palapag ng JM Building 2 na pagmamay-ari ng Acabar Marketing International.

Kuwento ni Marc Jherom Bisares, security guard ng gusali, napansin na lang niya ang makapal na usok mula sa opisina.

Umabot sa unang alarma ang sunog na tuluyang naapula alas-12:22 Huwebes ng madaling-araw.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente. Inaalam pa ang pinagmulan ng apoy at halaga ng pinsala ng sunog.—Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.