3 miyembro ng carnapping group sa Cebu timbog

ABS-CBN News

Posted at Aug 29 2019 03:45 PM

Arestado sa operasyon ng Highway Patrol Group (HPG) Region 7 noong Miyerkoles ang umano'y lider ng Segovia Carnapping Group na nag-ooperate sa buong probinsiya. 

Kinilala ang pangunahing suspek na si alyas "Ronald," na nahuli sa Naga City, Cebu sa bisa ng isang warrant of arrest.

"May mga lookout sila, if ever may mga makita silang mga motor na vulnerable, yu'n ang magiging target nila", sabi pa ni Police Capt. Michael Gingoyon, hepe ng HPG-Central Visayas. 

Matapos ang isinagawang interrogation kay Ronald, nagkasa ng follow-up operation ang HPG kung saan nahuli ang 2 pa niyang kasabwat sa Danao City.

Sa kanilang bahay ay narekober ang mga nakaw na motorsiklo.

"Sa monitoring namin ibinebenta din nila ang mga carnap na motor sa P8,000-P10,000 na halaga," paliwanag ni Gingoyon.

Nakatakdang kasuhan ng carnapping ang 3 suspek.—Ulat ni Donna Lavares, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.