'High-value target' timbog sa Makati buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Aug 28 2019 04:46 AM

MAYNILA—Arestado ang isang high-value target sa buy-bust operation sa Barangay Pio Del Pilar, Makati City Martes ng gabi.

Nakumpiska sa 46 anyos na suspek ang nasa 45 pakete ng hinihinalang shabu.

Hinuli ang suspek nang mabilhan nang nagpanggap na buyer ng P1,000 halaga ng umano'y shabu.

Ayon kay Police Col. Rogelio Simon ng Makati City police, itinuturing nilang high-value target ang suspek na konektado sa isang local drug group.

"Itong grupo kasi nila isa sa malalakas na magtulak noon. Pero noong nagsimulang nawala na 'yung mga miyembro ng grupo nila, nagkaniya-kaniya na sila at ito, hindi pa rin siya tumigil sa pagtutulak," aniya.

May ugnayan din umano ang suspek sa isang drug suspek na napatay sa engkuwentro ng mga pulis noon.

Sasampahan siya ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.