6 Chinese na umano'y biktima ng human trafficking nasagip sa Cebu

Jude Torres, ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2019 08:40 AM | Updated as of Aug 27 2019 08:55 AM

Photo courtesy of Lapu-Lapu City Mobile Forces Company

LAPU-LAPU, Cebu - Nasagip ang 6 na babaeng Chinese nationals na umano'y biktima ng human trafficking sa lungsod na ito, Lunes ng gabi.

Nilusob ng mga awtoridad ang guesthouse na tinutuluyan ng grupo matapos makatanggap ng mga sumbong na pini-pick up sila roon ng mga kustomer na Chinese din.

Kakasuhan ng human trafficking ang isang Chinese na umano'y nambugaw sa mga babae.

Iginiit naman ng may-ari ng guest house na hindi niya alam ang umano'y ilegal na aktibidad doon. Handa aniya siyang makipagtulungan sa imbestigasyon ng mga pulis.

Kasama sa susuriin ng mga imbestigador ang mga dokumentong ginamit ng mga Chinese sa pagpasok sa Pilipinas.

Ibinigay ng pulisya ang kanilang kustodiya sa Chinese Consulate.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.