Dahon ng tabako, itinago sa panty, napkin ng mga bibisita sa kulungan

ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2018 02:51 PM

Bureau of Jail Management and Penology-Baguio

BAGUIO CITY -- Ilang pakete ng mga dahon ng tabakong ipupuslit sana sa Baguio City Jail ang nakumpiska sa dalawang babaeng bisita.

Nasamsam noong Sabado ang ilang dahon ng tabako at P3,000 cash na isinilid ng isang matandang babae sa kaniyang panty. Nakuha ito matapos siyang kapkapan ng mga guwardiya ng kulungan.

Isang babae rin ang nahulihan noong Biyernes na may dalang dahon ng tabako na nakaipit sa kaniyang sanitary napkin.

Nagpatupad nitong taon ang Baguio City Jail ng body frisking o pagkapkap sa katawan ng mga bisita upang maiwasang makalusot ang mga kontrabando. 

Pinagbawalan nang bumisita ang dalawa sa kulungan, ayon kay Chief Jail Inspector Crispin Dornagon.--Ulat ni Micaella Ilao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.