2 menor de edad, kasama sa 7 arestado sa droga sa QC

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2018 12:36 PM | Updated as of Aug 26 2018 10:51 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Arestado ang pitong lalaki, kabilang ang dalawang menor de edad, sa magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City nitong linggo. 

Arestado si alyas Arnel sa Sgt. Esguerra corner Sct. Bayoran, at dati nang sumuko sa Oplan Tokhang. 

Timbog naman sa bahagi ng Ermin Garcia street sa Cubao si alyas Alex na umano'y sumuko na rin dati sa Oplan Tokhang. 

Naaktuhan din ang isang grupo na gumagamit ng ilegal na droga sa isang kubol sa madilim na eskinita sa bahagi ng NIA Road, ayon kay Chief Insp. Melchor Rosales.

Agad na inaresto ang grupo kabilang ang isang 16 anyos at isang 15 anyos. May dalawa pa umanong kasamahan ang grupo ngunit nakatakas ang mga ito, ayon kay Rosales.

Itinanggi ng mga suspek na gumagamit sila ng droga pero nakuha sa kubol ang limang bukas na sachet na may bakas pa ng hinihinalang "shabu."

-May ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.