TINGNAN: Bahagi ng kalsada sa Benguet di madaanan dahil sa rockslide

ABS-CBN News

Posted at Aug 24 2019 01:00 PM | Updated as of Aug 24 2019 07:55 PM

Hindi madaanan ang bahagi ng kalsada sa Ambuklao Road sa Benguet matapos gumuho ang malalaking tipak ng mga bato. Micaella Ilao, ABS-CBN News

Sarado ang kalahati ng kalsada sa bahagi ng Ambuklao Road sa Benguet matapos na gumuho ang malalaking tipak ng mga bato, Sabado ng madaling araw.

Watch more in iWant or TFC.tv

Agad namang nirespondehan ng mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at barangay ang apektadong lugar para magmando ng daloy ng trapiko.

Lilinisin din daw ito Sabado ng hapon pagdating ng backhoe.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.