Higit P1-M halaga ng shabu, nasabat mula sa tricycle driver sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Aug 24 2019 06:49 PM

MAYNILA—Higit-kumulang P1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad mula sa isang tricycle driver sa Quiapo nitong Sabado.

Nagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency laban sa 20-anyos na suspek matapos malaman na bukod sa pagpapasada ng tricycle, sangkot din ito sa ilegal na droga.

Nasamsam mula sa suspek ang 2 plastic bag na naglalaman ng higit-kumulang na 200 gramong shabu, at isang cellphone.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. - Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.