Bagong laya, patay sa buy-bust sa Misamis Oriental

Angelo Andrade, ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2018 12:31 AM

MISAMIS ORIENTAL - Patay ang isang lalaking kalalaya lang sa kulungan sa buy-bust operation sa Barangay Baluarte, Tagoloan, Misamis Oriental nitong Martes.

Nakuha kay Bayani Abasola ang 8 sachet ng hinihinalang shabu. Kakalabas lang niya sa Misamis Oriental Provincial Jail noong nakaraang linggo dahil sa kaso sa droga.

Ayon kay SPO4 Engelberto Edio, deputy chief ng Tagoloan Municipal Police Station, nagtangkang maghagis ng granada ang suspek nang mapansin nito na pulis ang kaniyang katransaksiyon.

"Bilang depensa ay binaril ito ng mga operatiba," aniya.

Pinasungalingan naman ng pamangkin ni Abasola ang alegasyon ng pulisya.

Wala umanong granada ang suspek at huminto na rin into sa ilegal na gawain.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.