TINGNAN: 7 talampakang sawa nahuli sa ilog sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2019 01:28 PM | Updated as of Aug 22 2019 03:15 PM

MAYNILA - Nahuli nitong Huwebes ang isang sawa sa ilog sa Barangay Wawa 3, Rosario, Cavite. 

May habang pitong talampakan ang sawa, na nakita ng isang mangingisda. 

Agad ding isinilid sa sako ang sawa nang mahuli ito.

Iti-turn over sa Municipal Environment and Natural Resources Office ng Rosario, Cavite ang nahuling sawa.-- Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.