Presyo ng baboy, isda sa Commonwealth Market bumaba

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2019 12:23 PM | Updated as of Aug 22 2019 01:30 PM

MAYNILA — Bumaba ang presyo ng isda, at baboy habang tumaas naman ang presyo ng ilang klase ng gulay sa Commonwealth Market nitong Huwebes.

Presyo ng gulay
• Petchay Baguio → P80/kilo (dating P60/kilo)
• Sayote → P50/kilo (dating P30/kilo)
• Talong → P80/kilo (dating P60/kilo)
• Ampalaya → P80/kilo (dating P60/kilo)

Bumaba naman ang presyo ng kamatis, na ngayo'y nasa P70 kada kilo mula P80.

May bawas-presyo rin ang ilang klase ng isda ngayong araw.

Presyo ng isda:
• Tilapia → P90/kilo (dating P100/kilo)
• Galunggong → P140/kilo (dating P160/kilo)
• Matambaka → P180 hanggang P200/kilo (dating P229/kilo)
• Lapu-Lapu → P250/kilo (dating P350/kilo)
• Alumahan → P200/kilo (dating P240/kilo)
• Pusit → P300/kilo (dating P320/kilo)

BENTAHAN NG MANOK, BABOY 'MATUMAL'

Samantala, bumaba na sa P190 ang bentahan ng baboy sa merkado mula sa karaniwang presyo nito na higit P200, pero matumal pa rin ang bentahan, ayon sa mga nagtitinda.

Kasunod ito ng ulat ng pagtaas ng bilang ng mga namamatay na baboy dahil sa hindi pa matukoy na sakit.

Ayon sa mga tindera, mula sa karaniwang 12 katay ng baboy na nabebenta nila sa isang araw, umaabot na lamang sa 6 hanggang 7 katay ang nauubos nila.

Samantala, aabot na rin sa P150 kada kilo mula P130 hanggang P140 ang presyo ng manok kaya matumal umano ang kanilang bentahan.

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.