Koreano timbog sa pagkalat sa hubad na larawan ng Pinay GF

ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2019 06:42 PM | Updated as of Aug 22 2019 05:25 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Arestado nitong Miyerkoles ang isang 52 anyos na Koreano sa Davao City na nag-post umano ng maseselang retrato ng kaniyang Pinay na girlfriend sa Facebook. 

Kuwento ng biktimang si alyas "Clara," 11 taon niyang naging kasintahan ang suspek bago ito makipaghiwalay. 

Pero laking gulat na lang niya nang malamang kinukuhanan pala siya ng retrato at video ng dating nobyo tuwing nagtatalik sila. 

Tinakot din umano siya ng Koreano na ikalalat ang mga retrato kapag nagkahiwalay sila. 

"Wala po siyang pahintulot na kumuha siya ng picture sa akin. Kung makita ko, hindi ko talaga siya i-allow," ani Clara. 

Hinuli ang suspek sa labas ng isang hotel sa Sta. Ana Ave. 

Kakasuhan ang Koreano ng paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act at Cybercrime Prevention Act of 2012. -- Ulat ni Maan Macapagal, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.