Ex-Calauan mayor Sanchez na pumatay sa 2 UP students, posibleng makalaya

ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2019 03:21 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Posibleng lumaya na sa mga susunod na buwan ang convicted rapist at murderer na si dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez.

Nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo si Sanchez noong 1995, kaugnay sa 1993 rape-slay at murder ng UP students na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez. 

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, pinoproseso na ang "recomputation" ng good conduct time allowance ni Sanchez at ng libo-libong iba pang person deprived of liberty (PDL).

Sa bisa ito ng Republic Act 10592, kung saan babawasan ang panahon ng pagkakakulong, kung maganda ang ugali ng preso.