P6.8-M halaga ng 'shabu' nasabat sa Negros Oriental; 4 arestado

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2019 08:16 AM

BACOLOD - Nasamsam ang P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa 4 na suspek sa bayan ng Sibulan, Negros Oriental nitong Lunes ng hapon.

Sakay ang 4 na suspek ng isang pulang sasakyan lulan ng roll-on roll-off (Ro-Ro) vessel nang magsagawa ng random inspection ang Philippine Coast Guard.

Ayon sa mga awtoridad, nakatanggap sila ng tawag mula sa PDEA na may mga drug courier at kontrabando na nakasakay sa Ro-Ro galing Santander, Cebu at papunta sa Sibulan Port.

Haharap ang mga suspek sa kasong possession of illegal drugs.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.