Lalaki sa Pampanga inireklamo ng pangmomolestiya ng 3 bata mula QC

ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2019 08:08 PM

Naaresto sa San Fernando, Pampanga ang isang lalaki na umano ay nangmolestiya sa 3 bata mula Quezon City na naiulat na higit isang buwan nang nawawala. 

Naibalik noong gabi ng Lunes sa Quezon City ang 3 bata -- na pawang 12 anyos -- matapos maalarma ang suspek na pinaghahanap na sila.

Ikinuwento ng mga bata sa mga awtoridad na minolestiya sila ng lalaking kumupkop sa kanila kaya ikinasa ang paghuli sa suspek.

Ayon sa mga bata, nakilala nila ang suspek malapit sa isang eskuwelahan sa Quezon City. Niyaya daw silang makipag-inuman at tuluyang dinala sa Pampanga.

Dinala sa Quezon City Police District Station 9 ang suspek habang sasailalim naman sa counseling ang mga biktima.

-- Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.