Gina Lopez pumanaw na

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2019 05:56 AM | Updated as of Aug 19 2019 07:40 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA — Pumanaw na ang environmental advocate na si Gina Lopez sa edad na 65 dahil sa brain cancer. 

Si Lopez ang tagapagtatag ng ABS-CBN Foundation Inc (AFI).

"Gina was the pillar of strength that pushed AFI to achieve what seemed to be impossible. Her caring heart and selfless kind of love inspired people within and beyond the organization to help and serve others," sabi ng ABS-CBN sa pahayag.

"While we mourn with Gina’s family and loved ones, we also pray that her legacy continues to live on in the heart of every Kapamilya she had touched in her lifetime.

"We will never forget her and will continue to honor her remarkable contributions not only to ABS-CBN, but the entire nation.

"Thank you Gina, for showing us how it is to live in the service of the Filipino," sabi ng kompanya.

Inihayag din ni ABS-CBN Chairman Mark Lopez ang pagdadalamhati sa pagkawala ng environmentalist.

"Today, we lost not just a family member but a person we deeply admire and respect," ani Mark Lopez, pinsan ng pumanaw, sa hiwalay na pahayag.

"At an age when people are just figuring out what they want to do in life, she already knew her purpose. She left a comfortable life to devote her time and energy to help uplift other people’s lives," ani Mark Lopez.

Inalala rin si Lopez ng AFI.

"Gina Lopez was a champion for the environment, child protection, and the disadvantaged. She exemplified a life of service to humanity with a deep desire to improve people’s lives, rallied for social justice, and sought to bring hope and change to poor communities," sabi ng AFI sa pahayag.

Sa loob at labas ng gobyerno, isinulong ni Lopez ang mga adbokasiyang nakasentro sa kalikasan at sa mga naaapi. 

Taong 2016 pag-upo ni Pangulong Rodrigo Duterte, nagsilbi bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) si Lopez, kung saan nakipaglaban siya sa mga dambuhalang kompanya ng pagmimina. 

Ngunit noong 2017, hindi pinalad na makumpirma sa puwesto si Lopez. 

Sa kabila nito, itinuloy ni Lopez ang kaniyang adbokasiya sa kalikasan, na nagsimula mula pa noong kabataan niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.