Babae, pinaslang sa labas mismo ng Bacolod City Police Office

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2019 12:17 AM

BACOLOD - Isang babae ang patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa labas mismo ng Bacolod City Police Office malapit sa gate ng Bureau of Jail Management and Penology, tanghali ng Linggo.

Patay ang biktima na kinilala bilang si Crystal Faith Jastava, 24-anyos na residente ng Bago City, Negros Occidental.

Ayon sa pulisya, bandang 11 a.m. ng bumisita ang babae sa kanyang live-in partner na nakulong dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Gumamit umano ang biktima ng pekeng pangalan para makapasok sa BJMP Male Dormitory. 

Napag-alaman din na may dalawa siyang ID Card at kabilang na dito ang isang pass sa loob ng BJMP facility.

Lumalabas sa CCTV footage na kuha ng isang hotel, 3 p.m. nang lumabas ang biktima sa pasilidad. Makaraan ang ilang minuto, ay binaril na ito ng isang lalaki.

Ayon sa pulisya, malaki ang posibilidad na droga na naman ang nasa likod ng Krimen.

- Ulat ni Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.