TINGNAN: Unti-unting pagbawas ng pasaherong naghihintay sa NAIA Terminal 1

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2018 01:15 AM

Nabawasan na ngunit daan-daan pa rin ang mga pasaherong naghihintay ng kanilang flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 Sabado ng gabi.

Nitong Sabado ng hapon, libo-libo ang mga pasaherong naghintay matapos buksan ang NAIA runway bago mag-tanghali mula sa mahigit isang araw na pagkasara nito.

Nakansela ang karamihan ng mga flight dahil sa pagsasara ng international runway ng NAIA dahil sa sumadsad na Chinese airliner noong Huwebes ng gabi. —May ulat ni Ron Lopez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.