Dating SK chairman sa Bacolod, timbog sa buy-bust

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2019 08:49 PM

BACOLOD CITY - Arestado ang isang dating Sangguniang Kabataan chairman sa isinagawang buy-bust operation sa Goldenfields Commercial Complex Linggo ng madaling araw.

Nakuha mula sa 28-anyos na suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakagalang P25,000.

Ayon sa hepe ng Police Station 9 na si Police Capt. Jun Ray Batadlan, ilang buwan na nilang minamanmanan ang suspek na nagbebenta umano ng ilegal nga droga sa mga bugaw at commercial sex workers.

Pinabulaanan naman ng suspek na nagbebenta siya ng droga kundi gumagamit lamang siya nito paminsan-minsan.

Kasong pagbebenta at possession of illegal drugs ang isasampa laban sa kaniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.