Kawani ng Dumaguete city government tiklo sa buy-bust

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2019 10:03 AM

Hindi na nakapalag pa ang suspek nang maaresto sa anti-drug operation sa Dumaguete City. Larawan mula kay Raffy Cabristante

Arestado ang 46 anyos na empleyado ng lokal na pamahalaan ng Dumaguete City sa ikinasang anti-drug operation sa Barangay Camanjac, Biyernes ng gabi.

Ayon sa hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Negros Oriental na si Grace Cruz, itinuturing na high-value target ang naarestong suspek.

Dagdag ni Cruz, 6 na taon nang nanunungkulan bilang miyembro ng Special Enforcement Unit ng lungsod ang suspek.

Dalawang malaking sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P68,000 ang nakumpiska sa suspek.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.