Butanding natagpuang patay sa Navotas Fish Port

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2018 10:20 AM | Updated as of Dec 19 2019 08:41 PM

MANILA - Isang butanding ang natagpuang patay sa Navotas Fish Port, Biyernes.

Tinatayang aabot sa 8 talampakan ang haba at may bigat na 3 tonelada ang butanding na natagpuang walang buhay sa bahagi ng Manila Bay na nasasakop ng Navotas.

Ayon sa mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Acuatic Resources (BFAR), natagpuan ito ng mga residente malapit sa Navotas Fish Port at dinala na lamang sa pampang.

Posible napadpad ang butanding sa lugar noong kasagsagan ng habagat, sabi ng mga awtoridad.

Hindi binanggit ng mga kinauukulan kung ano ang ikinamatay ng butanding.

- ilang ulat mula kay Jeck Batallones at Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.