Ambulansya sumalpok sa mga concrete barrier sa EDSA

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2020 12:55 PM

Nasira ang unahang bahagi ng ambulansiya matapos sumalpok sa dalawang concrete barrier sa EDSA. Henry Atuelan, ABS-CBN News


MAYNILA - Isang ambulansiya ang sumalpok sa mga concrete barrier sa bahagi ng EDSA southbound malapit sa kanto ng Scout Borromeo sa Quezon City, Sabado ng umaga.

Sa report ng Metrobase ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), bandang alas-8 ng umaga nang maganap ang aksidente.

Sa lakas ng impact, nawasak ang kanang unahang bahagi ng ambulansiya.

Nadurog din ang dalawang concrete barrier, na nakalagay sa kalsada para ihiwalay ang bus lane.

Wala namang pasyenteng sakay ang naaksidenteng ambulansiya. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.