P3.6-M halaga ng mga seahorse, nakumpiska sa Zamboanga City

Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2018 11:10 PM

ZAMBOANGA CITY - Nasa 16 na karton ng patay na mga seahorse ang nakumpiska ng Philippine Coast Guard sa pantalan ng Zamboanga City Miyerkoles ng hapon.

Tinatayang aabot sa P3.6 milyon ang halaga ng mga seahorse.

Ayon sa Coast Guard, nakita ang mga seahorse sa loob ng container van na nasa pantalan.

Ayon kay Pedling Munap ng Bureau of Fsheries and Aquatic Resources, galing umano ang mga ito sa Tawi-Tawi at dadalhin na sana sa Maynila upang ibenta.

Inihahanda na ng BFAR ang kasong isasampa sa may-ari ng mga nasabat na mga seahorse.

Nasa pangangalaga na ng Bureau of Customs ang nasabat na mga seahorse.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.