Ilang endangered species sa Avilon Zoo, tinangay ng magnanakaw

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2018 03:29 PM | Updated as of Aug 14 2018 07:00 PM

Tinangay ng mga magnanakaw ang ilang endangered na hayop sa Avilon Zoo sa Montalban, Rizal kaninang umaga. 

Sa isang Facebook post, sinabi ng pamunuan ng Avilon na nanakaw ang mga sumusunod na endangered species sa kanilang pasilidad: 

  • 3 mature red-footed tortoises
  • 1 yellow-footed tortoise
  • 1 common snapping turtle
  • 3 black palm cockatoos
  • 1 brown tufted capuchin monkey

 

Parte ng isang conservation breeding program ng zoo ang mga tinangay na hayop. 

Ang pasilidad ay ang pinakamalaking zoological institution sa Pilipinas, na may mahigit-kumulang 3,000 na hayop. 

Kung may karagdagang impormasyon pa sa mga nanakaw na endangered animals, maaaring tumawag sa (02) 213-1062. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.