Elementary school sa San Juan ginawa munang tulugan para sa frontliners

ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2020 02:08 PM | Updated as of Aug 13 2020 08:05 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA - Inilaan ang isang elementary school sa San Juan City bilang tulugan ng frontliners ngayong wala munang face-to-face learning sa mga paaralan sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. 

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, nasa 100 medical workers sa San Juan Medical Center ang puwedeng tumuloy sa San Juan Elementary school, na malapit lang sa nabanggit na ospital. 

Bukod sa mga kama, nilagyan din ito ng kusina at libreng WiFi. 

Para aniya ito sa mga nagtatrabaho sa ospital na pagod na at nais nang may matulugan o ayaw munang umuwi para hindi ma-expose sa virus ang pamilya. 

Bukod diyan, may P5,000 na ayuda ang San Juan sa mga health worker at P3,000 sa non-medical frotnliners. 

-- Ukat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.