Ginagawang slope protection sa Benguet gumuho

Michelle Soriano, ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2019 06:15 PM

Tuluyang bumigay ang ginagawang slope protection ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bahagi ng Baguio-Bontoc Road sa La Trinidad, Benguet. Larawan mula kay Leo Mercado


Gumuho ang ginagawang slope protection ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bahagi ng Baguio-Bontoc Road sa La Trinidad, Benguet, Lunes ng hapon.

Ayon sa mga residente, maya’t maya sila nakakarinig ng gumugulong na mga bato hanggang sa tuluyan nang bumigay ang slope protection alas-3 ng hapon dahil na rin sa pag-ulan.

Hindi naman daw sila natatakot dahil wala namang napinsalang gusali o nagbibitak na istruktura.

Pinondohan ng P2.8-milyon ang proyekto at target sanang matapos ito sa Setyembre.

Nilagyan muna ito ng harang para walang maaksidente sa lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.