Lalaking 'nagkalat ng sex video nila ng nobya, nangikil,' huli

ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2018 08:28 PM | Updated as of Aug 13 2018 08:49 PM

Ipinahuli ng isang estudyante sa pulisya ang kaniyang nobyo matapos nitong ikalat sa porn site ang kanilang sex video.

Humingi pa umano ang suspek na si alyas "Ruben" ng P10,000 kapalit ng hindi pagkalat ng maselang video nila ng biktimang si alyas "Lisa."

Sa entrapment operation sa Meycauayan, Bulacan hinuli noong Sabado ang suspek matapos tanggapin ang marked money.

Kuwento ni "Lisa," lasing siya dati at walang kamalay-malay na kinuhanan siya ng video ni "Ruben" habang nagtatalik sila noong Marso.

Hiniwalayan pa noong Hunyo ni "Lisa" si "Ruben" matapos malamang nambabae ito pero pinatawad din kalaunan.

Hindi naman tinanggi ng suspek ang paratang.

-- Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.