Lalaking 'nangmomolestiya, nanggagahasa' ng mga bata timbog sa Aklan

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2019 06:00 PM | Updated as of Aug 12 2019 09:58 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Kalibo, Aklan ang isang lalaking inireklamo ng pangmomolestiya at panggagahasa sa mga bata.

Mahigit isang taon umanong nagpapalit-lipat ng lugar mula Taguig hanggang sa isla ng Panay ang suspek na si Anecito David matapos lumabas ang 2 warrant of arrest laban sa kaniya para sa kasong rape at acts of lasciviousness.

Isa sa mga biktima umano ni David ang 6 taong gulang na babaeng pamangkin ng isang pastor sa Bacolod.

Nangyari raw ang panggagahasa sa opisina ng pastor kung saan naninilbihan si David para rin maging isa siyang pastor.

Bukod sa kasong ito, inireklamo rin si David noong isang taon dahil sa panggagahasa sa isang Grade 9 student.

Iniimbestigahan din ng NBI ang 2 kaso ng 2 pang dalagita na inabuso umano ng suspek.

Hinikayat din ng NBI ang iba pang mga biktima ni David na lumantad sa kanila at magsumbong.

-- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.