Higit 100 pasahero stranded pa rin sa mga pantalan

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2019 09:35 AM | Updated as of Aug 12 2019 09:37 AM

MAYNILA- Higit sa 100 pasahero ang nananatiling stranded sa mga pantalan sa Luzon nitong Lunes matapos ang matinding pag-uulan nitong mga nakaraang araw.

Ayon sa pinakahuling datos ng Philippine Coast Guard, 106 na pasahero ang stranded pa rin at karamihan sa kanila ay nasa pantalan sa Batangas at Camarines Sur.

Tatlumpu't-tatlo sa mga nasabing pasahero ay nasa Calatagan port habang 44 naman ang nasa Pasacao port.

Labing-apat na barko at 11 na motorbanca naman ang hindi pa pinapayagan ng PCG na pumalaot.

Paliwanag ng PCG, nais nilang matiyak na maganda na ang lagay ng panahon bago tuluyang pumalaot ang mga ito nang maiwasan ang panibagong aberya.

Noong nakaraang linggo, 31 pasahero ang nasawi sa pagtaob ng 3 bangka sa Iloilo-Guimaras Strait.

-ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News