Balyena natagpuang patay sa Ilocos Sur

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2019 12:21 PM

Patay na ang isang Pygmy sperm whale nang matagpuan sa dalampasigan ng Magsingal, Ilocos Sur, Agosto 11, 2019. Kuha ni Joshua Rabit


MAGSINGAL, Ilocos Sur- Isang patay na balyena ang natagpuan sa dalampasigan sa Barangay Puro dito Linggo ng hapon.

May mga sugat sa iba't-ibang bahagi ng katawan ang Pygmy sperm whale na tinatayang may timbang na 150 kilo.

Posible umanong ang mga sugat nito sa katawan ang ikinamatay nito.

Agad na inilibing din ng mga residente ang balyena.

-ulat ni Ria Galiste, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.