2 patay, 5 sugatan sa banggaan ng mga truck sa Pangasinan

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2019 04:01 PM | Updated as of Aug 12 2019 10:04 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Napatay ang 2 tao habang 5 ang nasugatan sa banggaan ng 2 truck sa bayan ng Aguilar, Pangasinan noong Sabado.

Kinilala ang mga nasawi bilang sina Jose Dadibas at Willy Sagsagat, parehong pahinante. Kabilang naman sa mga nasugatan ang 2 truck driver.

Nag-deliver ng bigas mula sa bayan ng Mangatarem ang puting truck at pabalik na ng Aguilar nang sumabog ang kaniyang gulong, ayon sa imbestigasyon ng Aguilar police.

Sumalpok ang puting truck sa kasalubong na pulang truck at nasagi rin ang 2 motorsiklo na nasa shoulder lane sa kalsada sa Barangay Bocacliw, ayon sa pulisya.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, damage to property, at serious physical injuries ang driver ng puting truck.

-- Ulat ni Joanna Tacason, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.