'Big-time pusher' timbog sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2019 12:27 PM

Naaresto noong Sabado sa buy-bust operation ang isa umanong notoryus na tulak ng ilegal na droga sa Davao City.

Apat na buwan nang binabantayan ng pulisya ang lalaking suspek bago ikinasa ang operasyon, kung saan nakuha rin ang 16 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P360,000.

Kabilang sa mga parokyano ng suspek ang mga sabungero at tsuper, ayon sa pulisya.

"Medyo malaki-laki talaga ang network niya," ani Lt. Carlo Magno, deputy station commander ng pulisya sa Toril, Davao City.

Ayon sa suspek, hindi sapat ang kaniyang kinikita bilang construction worker kaya pinasok niya ang pagbebenta ng ilegal na droga.

Inaalam na rin ng pulisya kung sino ang nagsu-supply ng shabu sa suspek at saan ito nagmula.

-- Ulat ni Claire Cornelio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.