Ilang bahay sa Marikina, lubog sa baha

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2018 10:36 PM | Updated as of Aug 05 2019 06:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Matapos ang matinding pagbuhos ng ulan ay bumaha na sa ilang lugar sa Marikina City. 

May iilan ding bahay na lubog na sa baha. 

Na-alarma ang mga residente sa mabilisang pagtaas ng tubig sa Marikina River, na nagdulot ng matinding baha sa lungsod ngayong araw.

Samantalaang binaha na rin ang paligid ng Bulelak Court, na nagsilbing evacuation center sa Marikina. 

Nabalitaan rin na may iilan pang residenteng stranded sa kanilang mga bubong. 

Kaya naman may mga evacuee na lumusong sa baha para mai-rescue ang kanilang mga kamag-anak na stranded at naiwan sa mga bahang lugar. 

Sumilong naman ang mga evacuees sa modular tents na pinapagamit ng gobyerno. 

Libre rin ang pagkain at gamot nila.

Bagamat third alarm pa rin ay umabot na sa 20.2 metro ang water level ng Marikina River. 

Inaasahang madadagdagan pa ang mga bilang ng mga evacuee Sabado ng gabi dahil sa tuluy-tuloy na mga rescue operation. 

Para sa mga sakuna tulad ng baha, maaaring tumawag sa mga hotline ng susunod na mga ahensya: 


 -- Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.