Tattoo artist, itinuturing na ‘most wanted’ ng Makati, arestado

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2019 10:57 PM | Updated as of Aug 14 2019 09:05 PM

Arestado na ang itinuturing na most wanted person sa lungsod ng Makati nitong Sabado. 

Hinuli ng pulisya ang isang tattoo artist na tinuturong nagtangkang gumahasa at pumatay sa isang kliyenteng transgender.

Ayon sa pulisya, inaresto ang suspek sa Barangay Commonwealth, Quezon City, sa bisa ng isang warrant of arrest.

Noong Disyembre, pinagsasaksak umano ng suspek ang biktima matapos itong tumangging makipagtalik sa kaniya.

Inaresto na rin ang suspek noong Enero ngunit pinakawalan dahil lumagpas na sa itinakdang oras para idetene.

Nakapiit na ngayon ang suspek sa Makati custodial facility. — Ulat ni Jeff Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.