2 hinihinalang carnapper, patay sa engkuwentro sa Payatas

Isay Reyes, ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2018 08:17 AM

MANILA - Patay ang 2 hinihinalang carnapper matapos maka-engkuwentro ang mga pulis sa kahabaan ng Payatas Road, Biyernes.

Naaktuhan ng mga pulis ang ilang lalaki na binabaklas ang isang tricycle sa Barangay Payatas B matapos makatanggap ng report bandang alas-4 ng umaga.

Nang lapitan, bigla umanong nagpaputok ng baril ang 2 suspek at tumakbo palayo sa mga pulis.

Nabaril ng mga awtoridad ang 2 suspek na agad binawian ng buhay.

Ang mga suspek ay hinihinalang mga miyembro ng grupong nagnanakaw ng mga motorsiklo mula sa Batasan, Commonwealth at Payatas upang ibenta sa Montalban. 

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.