TINGNAN: Kotse wasak nang mabagsakan ng balete tree sa QC

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2019 05:19 PM

MAYNILA — Isang nakaparadang kotse ang nayupi matapos mabagsakan ng puno ng balete sa New Manila, Quezon City nitong Biyernes. 

Naka-park sa harap ng Mt. Carmel Basilica sa Madison Street ang kotse nang mabagsakan ito ng malaking puno pasado alas-2 ng hapon, ayon kay Bayan Patroller Charles Igno Sr.

Bumigay ang balete tree sa kasagsagan ng malakas na hangin at ulan. 

Video credit: Mark Demayo, ABS-CBN News

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa kuha ng ABS-CBN News, kita ang pagtutulungan ng mga awtoridad para hiwain ang mga sanga ng puno na nakapatong sa kotse. 

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.