P1.8-milyong halaga ng 'shabu' nasamsam sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2019 03:01 AM

BACOLOD CITY, Negros Occidental—Nasamsam ng mga pulis ang nasa P1.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang drug suspect sa buy-bust operation sa Bacolod City, Negros Occidental Huwebes ng gabi.

Ayon kay Police Maj. Sherlock Gabana ng Police Station 7, 3 araw nilang minonitor ang suspek bago ito nahuli sa Barangay Vista Alegre.

Itinuturing nilang big-time drug pusher ang suspek na kinukuha pa umano ang supply ng droga sa Negros Oriental, dagdag ni Gabana.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.—Ulat ni Mark Salanga, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.