Pampasaherong bangka, tumaob sa Dinagat Islands

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2018 06:43 PM

Agad na sumaklolo ang mga bangka na malapit sa lugar kung saan tumaob ang isang motorboat matapos bumangga sa kasalubong na troso. Larawan mula sa Basilisa Municipal Police Station.

BASILISA, Dinagat Islands – Tumaob ang isang pampasaherong bangka matapos na bumangga sa kasalubong na troso sa bahagi ng Biray-biray Islands sa Barangay Poblacion, Miyerkoles ng hapon.

Nabutas ang starboard ng M/B Gencyrill 2 kaya’t nakapasok ang tubig at nabasa ang makina.

Nagmula pa sa Surigao City ang motorboat at papunta itong Dinagat Islands. 

May sakay itong 70 na pasahero, kabilang na ang crew.

Agad namang nasagip ang mga pasahero ng mga rumespondeng bangka.

Walang nasugatan o namatay sa aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.