Dating Manila Mayor Alfredo Lim pumanaw na sa edad na 90

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2020 07:10 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Pumanaw na sa edad na 90 si dating Manila Mayor Alfredo Lim, ayon sa kaniyang chief-of-staff na si Ric De Guzman.

Tatlong dekadang naging pulis si Lim bago mamuno bilang alkalde ng Maynila. 

Dalawang beses siyang naglingkod bilang mayor ng lungsod kung saan binansagan pa siyang "Dirty Harry" dahil sa matapang na paghaharap sa mga kriminal. 

Ipinanganak Disyembre 21, 1929 si Lim, na nagtapos ng Business Administration sa University of the East taong 1951. Naging miyembro rin siya ng Philippine Bar taong 1963.

In-appoint din bilang Interior and Local Government secretary si Lim taong 2000 sa ilalim ni Pangulong Joseph Estrada. Nagsilbi rin siyang senador ng bansa mula 2004 hanggang 2007.

Huling sumabak sa politika si Lim nang tumakbo sa pagkaalkalde sa Maynila para kalabanin sina Estrada at ang kasalukuyang Manila Mayor na si Isko Moreno. 

Noong Biyernes ay kinumpirma pa ng kaniyang aide na nagpositibo sa COVID-19 ang dating alkalde. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.