Lalaking 'nangholdap' ng spa sa Bacoor timbog

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2019 03:31 PM | Updated as of Aug 08 2019 07:00 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naaresto ng mga awtoridad ang isa sa 2 lalaking nangholdap umano sa isang spa sa Bacoor City, Cavite noong Martes.

Pinasok ng mga suspek na kinilalang sina Arwin Argana at Jhon Paul Perseveranda ang spa sa may Barangay Molino I bandang ala-1 madaling araw.

Nagtanong muna ang mga suspek sa receptionist ukol sa mga serbisyong alok ng establisimyento bago nagdeklara ng holdap.

Tinangay ng mga suspek ang cellphone ng receptionist na si alyas "Sarah" at P3,000 cash.

Nang papatakas na ang mga suspek, sumemplang ang motorsiklo sinasakyan nila. Agad iniwan ni Argana si Perseveranda.

Rumesponde naman ang mga residente sa paligid nang humingi ng tulong si alyas "Sarah."
 
Itinayo naman ni Perseveranda ang motorsiklo at nakatakas matapos niyang tutukan ng baril ang mga rumesponde.

Kinuyog naman ng taumbayan si Argana at naaresto bandang alas-4:30 ng madaling araw.

Patuloy ang pagtugis ng pulisya kay Perseveranda. Inaalam na rin kung sangkot ang mga suspek sa iba pang kaso ng holdapan sa Bacoor.

-- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.