'Big-time drug pusher' patay sa Laguna buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2019 04:20 AM

LAGUNA—Patay ang isang hinihinalang big-time drug pusher sa buy-bust operation sa Lumban, Laguna Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Reynante Coralde na nakuhanan ng P250,000 halaga ng umano'y shabu.

Isinagawa ang operasyon sa Barangay Bagong Silang alas-10 ng gabi kung saan nabilhan ang suspek ng P24,000 halaga ng shabu.

Nanlaban umano si Coralde nang aarestuhin na sana ng mga operatiba.

Ayon kay Police Maj. Ryan Jay Orapa ng Laguna police, itinuturing nilang big-time drug pusher ng lalawigan ang suspek.

Nakulong na nang 5 taon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Santa Cruz, Laguna si Coralde dahil sa droga.

Narekober sa crime scene ang isang kalibre .45 na baril na ginamit umano ng suspek.—Ulat ni Lady Vicencio at Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.