9 miyembro ng 'salisi' timbog sa Nueva Ecija

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2019 04:38 AM

NUEVA ECIJA—Tatlong lalaki at 6 na babae, kabilang ang isang menor de edad, ang hinuli ng mga pulis dahil sa pagnanakaw ng isang bag sa San Jose, Nueva Ecija.

Inireport sa pulisya Miyerkoles ang umano'y pagnanakaw ng grupo sa isang bag na may lamang cellphone at P5,000.

Naaresto ang mga suspek sa Barangay Caanawan, pero nang imbestigahan ay galing pang Maynila at Malabon ang mga ito. Miyembro umano sila ng "salisi gang".

Inaalam pa kung paano sila napunta sa Nueva Ecija. Nakuhanan ang isa sa kanila ng droga. Nakakulong sila ngayon sa San Jose police.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.