3 patay, 26 arestado sa 'shabu tiangge' raid sa Bacoor

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2018 05:00 AM | Updated as of Aug 18 2019 02:24 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

CAVITE - Patay ang 3 drug suspect habang arestado ang 26 na iba pa nang salakayin ng pulisya ang isa umanong "shabu tiangge" sa Bacoor City, Cavite nitong Martes.

Kinilala ang mga namatay na si Harries Iso at Diowie Concepcion habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa.

Naaktuhan naman ng mga pulis ang 26 katao na gumagamit ng ilegal na droga.

Narekober ng pulisya ang pake-paketeng hinihilang shabu na tinatayang nasa P1 milyon ang halaga. Isinilid ito sa mga canister na itinapon sa dagat.

Nakuha din sa lugar ang 2 kalibre .45 na baril, 2 kalibre .38 na baril, at isang kalibre .22 pistol.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant matapos makumpirma ng mga pulis na ginagawang shabu tiangge ang mga bahay.

"Base doon sa surveillance na nakuha natin, may napansin po kasi tayo roon na kakaiba. Dahil ‘yung isang bahay doon puno agad ng tao kung saan gumagamit," ani Supt. Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor City police.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang supplier ng ilegal na droga. - Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.