Mag-ina nakuhanan ng P680,000 halaga ng 'shabu' sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Aug 07 2019 03:50 AM

MAYNILA—Arestado ang isang mag-ina sa buy-bust operation sa isang hotel sa Carriedo St., Maynila Martes ng gabi.

Nasamsam sa mga suspek ang nasa P680,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), tindera sa palengke ang nanay habang sales clerk naman ang anak nito.

Nang isinagawa ang operasyon, kasama pa nila ang isa pang anak na 8 anyos.

Nakuhanan din ang mag-ina ng mga resibo ng pagpapadala ng pera na posibleng kita sa droga.

Hindi sila nagbigay ng pahayag nang kunan ng komento ukol sa operasyon.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.